sa akin...

anong ilalagay ko?gusto ko lang maglibang...

Wednesday, January 23, 2008

Wrestling.....hmmmmm....

isang uri ng basag ulo...
pwedeng totoo...
pwede ring may daya...

thumb wrestling...
kiliti wrestling...
pare pareho lang yan...
gusto mong talunin ang kalaban...

kung sa pinapayagan lang sa senado't kamara...
malamang araw araw kang makakakita ng nagwrewrestling...
masaya sana...
nakakaaliw...

iniisip ko pa lang natatawa na ko...
mga naka amerkana...
binibilangan...
one...
two...
three...

teng...teng...teng...ang nanalo...

mga manloloko...

Gamitin sa pangungusap:

1. Si Gloria ay matagal na sa pwesto,dapat ma wrestling na siya palabas ng palasyo.
2. Wrestling sa kama ang paboritong laro ni Mike Arroyo.

Sunday, January 20, 2008

TRADITIONAL POLITICIANS???ano daw???

TRAPO for short...
ang mga taong pinagpala sa lahat...
ika nga ng Yano di na binoboto pero nananalo...

Sila ay ang mga uri ng tao na hindi na kailangang hilingan ng interview ng mga reporters dahil sila na mismo ang hahabol sa kamera para magsalita ng kung anu anong ingles na sila sila lang ang nakakaintindi dahil ang totoo ay wala naman talagang ibig sabihin...

Ang kanilang mga mukha ay kung saan saan mo makikita dahil mas marami nilang mukha, mas mapogi di ba???

Sa Dyaryo...Sa TV...Sa Poste...Sa dingding...

Mga komedyante at taga circus na naka Kurbata...
Mga nakagradweyt na sa totoo'y mga bobo...

Ang sarap maging politiko...
Kung dati wala kang pera,dito yayaman ka...

Paano natin gagamitin ang TRAPO sa pangungusap?

1. Sen. Drill On, trapo ka talaga ng ina mo!!!
2. Your honor....your excellence.... = TRAPO....

Saturday, January 19, 2008

POLKA DOTS...

karaniwang nilalarawan ng mga bilog bilog na disenyo...
karaniwang ginagamit sa pag dedesenyo ng mga damit...
ang di karaniwan ay ang pagkakaruon ng polka dots sa mukha...
lalong mas kamanghamangha kung ang mga taong may polka dots sa mukha ay magkakaroon ng lakas ng loob na magmaganda at magmapogi...nakakainis...
at lalong lalong nakakainis dahil, ulagya,may kakikilala na naman akong polka dots...
higit sa lahat,isa ako sa inaaangasan nitong kutong lupa na 'to....

gamitin sa pangungusap ang polka dots...

1. Oo, hindi ka kagandahan, tingnan mo sa salamin ang polka dots sa mukha mo...
2. Ateng!!!!! Dyutay na yung ka eyeball ko, naku po, polka dots pa ang feysung!!!!!

ano ang ibig sabihin ng PAIN IN THE ASS?

Sa aking pananaliksik ang tunay na kahulugan ng nasabing salita ay hindi sakit sa wetpaks,kundi ito'y tumutukoy sa mga taong puro sakit ng ulo ang dinadala sa ibang taong pinaliligiran nila...
Ginagamit rin ang salitang ito sa mga nambubuset sa buhay ng may buhay...yun ba'ng mga taong nakikialam sa lahat ng gusto mong gawin sa iyong buhay...
Sa araw-araw nating pamumuhay,makakasalamuha tayo ng mga ganitong uri ng tao,at kay saklap lang na maging sa sariling buhay ko'y santambak ang ganito...

Paano gamitin ang PAIN IN THE ASS sa pangungusap?

1. Lola tumahimik ka nga, pain in the ass ka eh!!!
2. Pain in the ass talaga yang nanay mo, buset talaga!!